^

PM Sports

Pang-13 na ng San Beda

Francisco Cagape - Pang-masa
Pang-13 na ng San Beda

MANILA, Philippines — Muling pinayuko ng three-peat champion San Beda Red Lions ang San Sebastian Stags, 91-76 upang mapanatiling malinis ang kartada at makasiguro ng playoff sa huling Final Four berth kahapon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Umani ang Fil-Canadian na si James Kweku-teye ng 20 puntos sa 4-of-6 shooting sa triple area na may kasamang limang assists at apat na rebounds habang ang Cameroonian na si Donald Tankoua ay tumipak ng 18 puntos at pitong rebounds para mapalawak ng Red Lions ang winning streak sa 13 at 25 sunod na panalo mula pa noong nakaraang taon.

Tumulong din ng 15 puntos, walong rebounds at apat na assists si Calvin Oftana at 11 puntos, pitong assists at limang rebounds naman mula kay sophomore Evan Nelle. Si AC Soberano ay umiskor din ng 14 puntos para sa tropa ni coach Boyet Fernandez.

“I salute the players for this. We were ha-ving problems in the first three games in the second round but I’m happy how they responded. They showed what they are capable of,” pahayag ni coach Fernandez.

Umiskor naman ng 16 puntos si RK Ilagan para sa Stags na nanatili sa fourth spot sa 7-5 win-loss kartada sa likuran ng nangungunang San Beda (13-0), Lyceum (9-3) at Letran (9-4).

Sa iba pang laro, pinatunayan ng Letran Knights ang kanilang mastery sa St. Benilde Blazers, 87-74 para manatili sa third spot sa 9-4 record at ibaba ang Taft-based CSB sa 6-6.

“Yung mindset namin going into the game, nag-prepare talaga kami rito. Ayaw namin ‘yung papakawalan ‘yung ganitong klaseng laro because all games are very important,” sabi ni Letran head coach Bonnie Tan.

Sa juniors’ division, nagwagi ang SBU Red Cubs laban sa SSC-R Staglets, 88-79 upang uma-ngat sa 12-1 record habang sinorpresa naman ng Letran Squires ang CSB-LSGH Greenies, 83-79, para buhayin ang pag-asa sa asam na playoff slot sa 6-7 slate.

NCAA BASKETBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with