Philippine Dragonboat naka-gold din

MANILA, Philippines — Sumagwan ang national dragonboat team ng isang ginto at isang pilak na medalya sa 2019 Haive River International Dragonboat Championships na ginanap sa Tianjin, China.

Nasungkit ng Pinoy paddlers ang nag-iisang gintong medalya ng Pilipinas sa men’s 200m small boat category habang nagkasya lamang sa pilak ang koponan sa men’s 50m small boat event.

Ang pagsabak ng national team sa naturang torneo ay bahagi ng paghahanda para sa 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Subic.

“Winning gold and silver against strong teams from China is a good sign for us. Hopefully, madala namin yung magandang momentum sa SEA Games,” ani Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation national head coach Lenlen Escollante. “We have a very good chance of winning at least five gold medals.

May 12 events ang paglalabanan sa SEA Games kung saan limang gintong medalya ang target ng PCKDF na makuha.

Show comments