^

PM Sports

Blakely tutulong sa Blackwater

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Blakely tutulong sa Blackwater

MANILA, Philippines – Pamilyar na import ang magiging bagong kasangga ng Blackwater sa nalalapit nitong kampanya sa 2019 East Asia League Terrific 12.

Ito ay walang iba kundi si PBA resident import Marqus Blakely na papalitan muna pansaman-tala ang original subalit injured import ng Elite na si Aaron Fuller.

Makakasama ni Blakely sa torneo ang isa pang import na si Alex Stepheson lalo’t pinapa-yagan ng Asia League ang dalawang imports kada-koponan sa taunang invitational tournament.

Inaasahang darating na si Blakely ngayong weekend sakto sa pag-alis ng Blackwater sa Lunes papuntang Macau kung saan gaganapin ang Terrific 12 mula Setyembre 17 hanggang 22.

Napilitang kumuha ang Blackwater ng kapalit matapos madale ng ankle injury si Fuller sa ensayo ng Blackwater kamakalawa.

Dahil dito, mawawala si Fuller ng hanggang tatlong linggo na magtutulak sa Blackwater sa pagkunsidera kay Blakely upang maging reinforcement na rin nila sa 2019 PBA Go-vernors’ Cup na magbubukas na sa Setyembre 20.

Subalit kakailanganin muna ng Blackwater na hingin ang rights ni Blakely na sa ngayon ay nasa TNT pa rin kung saan siya nagsilbi bilang import noong nakaraang taon.

Dating Best Import si Blakely na nabansagang Mr. Everything at bahagi rin ng Bmeg/San Mig Coffee dynasty noong 2013 at 2014 matapos ang back-to-back Governors’ Cup championship gayundin ang pagkumpleto ng pambihirang grandslam.

Inaasahan ang mala-king tulong ni Blakely sa Blackwater na pangungunahan nina Ray Parks Jr, Mac Belo gayundin ng bagong manlalaro na si Carl Bryan Cruz at mga rookies na sina Paul Desiderio at Diego Dario.

Ka-grupo ng Blackwater sa Pool A ang Chiba Jets ng Japan at Seoul SK Knights ng Korea.

Kasali rin ang dalawang PBA teams na Talk ‘N Text at San Miguel sa prestihiyosong Terrific 12 na lalaban sa pinakamagagaling na club teams sa Asya.

 

 

 

vuukle comment

BLAKELY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with