Gutang hinirang na NCAA Player of the Week

MANILA, Philippines — Umariba si Justin Gu­tang at pinangunahan ang College of Saint Benilde na makabalik sa win-co­lumn ng NCAA 95 men’s basketball tournament ka­sabay ng pagkawala ni­­na head coach TY Tang at sho­oting guard Jimboy Pas­turan.

Nagposte ang Fil-Am forward ng 14 points, 8 rebounds at 2 assists pa­ra manguna sa 74-66 panalo ng Blazers laban sa Jose Rizal University Heavy Bombers noong Bi­yernes.

Ang magandang laro ni Gutang ang nagbigay sa Taft-based squad ng panalo bagama’t napata­wan si Tang ng one -game suspension at ni Pasturan na may shoulder injury.

Nagawa ring tuldukan ng CSB ang back-to-back losses at nasungkit ang so­­lo second spot tangan ang 6-2 baraha.

Hinirang si Gutang bi­­lang Chooks-to-Go Col­­legiate Corps NCAA Player of the Week.

Sa pagtatapos ng first round ay umaasa ang Bla­zers na muling puputok si Gutang laban sa Letran Knights sa Biyernes.

“We were really struggling and haven’t been pla­ying well kahit sa practice,” sabi ni deputy coach Charles Tiu.

 

 

Show comments