^

PM Sports

Nationals hindi nakaporma sa Italy

Pang-masa
Nationals hindi nakaporma sa Italy
Binisita nina Pangulong Duterte at Sen. Bong Go ang Gilas Pilipinas sa kanilang dugout.
ESPN5

MANILA, Philippines — Bukod sa malalaki ay may matindi pang outside shooting ang mga Ita­lians.

Pinaluhod ng Italy ang Gilas Pilipinas, 108-62, sa pagbubukas ng 2019 FI­BA World Cup kagabi sa Foshan In­ternational Sports and Cultural Center sa China.

Bumandera para sa pa­­nalo ng Italy sina NBA stars Danilo Gallinari at Marco Belinelli.

Kaagad itinayo ng FI­BA No. 13 ranked  team ang 29-point lead, 37-8, sa pagtatapos ng first period hanggang palobohin ito sa halftime, 62-24.

Sa nasabing yugto ay tumipa ang mga Italians ng 11-of-17 shooting sa three-point line kumpara sa  0-of-12 clip ng Natio­nals.

Tumipa si natura­lized center Andray Blatche ng 15 points para sa tro­pa ni na­tio­nal coach Yeng Guiao at may 9 markers naman si five-time PBA MVP June Mar Fa­jardo na karamihan ay mula sa free throw line.

Huling nagharap ang Italy at Pilipinas sa World Cup noong 1978 kung saan nanaig ang mga Ita­lians, 112-75.

Hinawakan ng mga Italians ang 86-39 kalamangan sa pagtiklop ng third quarter patungo sa pagtatala ng 98-48 bentahe mula sa slam dunk ni American-born Jeff Brooks sa huling 3:46 minuto ng final canto.

Nakatakdang labanan ng Gilas Pilipinas ang Serbia, tinalo ang Angola, 105-59, bukas.

Bumandera sina Bogdan Bogda­novic, Nikola Jokic, Ni­kola Milutinov at Boban Mar­janovic pa­ra sa mga Serbians.

“Yes, we have already scouted the team. We know who we’re fron­ting,” ani Serbian coach Sa­sha Djordjevic sa tropa ni mentor Yeng Guiao.

Sa iba pang laro, ti­na­kasan ng Puerto Rico ang paboritong Iran, 83-81, sa Group C; binigo naman ng Poland ang Vene­zuela, 73-57, sa Group A; at pi­­na­tumba ng Russia ang Nigeria, 82-77, sa Group B.

 

NATIONALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with