Matagumpay ang four-day program ng PSC at PSI sa Biliran Province
MANILA, Philippines — Higit sa 150 coaches, trainers at sports officials ang lumahok sa four-day program ng Philippine Sports Commission at Philippine Sports Institute sa Biliran Province State University.
Natuto sila ng coaching skills sa athletics, badminton, boxing, swimming at taekwondo.
Dumalo naman ang mga veteran athletes, national coaches at officials sa 2nd Grassroots Sports Coaching Clinic and Consultative Sports Planning.
Sa kanyang mensahe ay pinahalagahan ni PSC Visayas Sports Coordinator Nonnie Lopez ang scientific coaching approach sa grassroots sports.
“The next generation of Filipino athletes lies in the grassroots. The PSC and PSI are here to impart dynamic and scientific techniques that would make our coaching more effective in this level,” wika ni Lopez.
Nagpasalamat naman si DepEd Region 8 OIC-Assistant School Division Superintendent Crista Joy Torabila sa PSC at PSI para sa sports clinic.
“We thank the PSC and PSI for this sports clinic that will surely elevate our grassroots program in Biliran. Sana makuha na natin ang gold sa limang larangan na nakasali sa clinic na ito,” ani Torabila.
Samantala, 50 local government officials mula sa walong munisipalidad sa probinsya ang lumahok sa seminar kung saan tumayo sina Lopez, PSC Mindanao Sports Coordinator Ed Fernandez at Dr. Gemima Valderrama of the Department of Education bilang mga resource speakers.
Ang Sorsogon City at Bukidnon Province ang susunod na pagdarausan ng Grassroots Sports Coaching Clinic at Consultative Sports Planning sa Setyembre 4-8 at Setyembre 16-22, ayon sa pagkakasunod.
Ang unang edisyon ng programa ay idinaos sa Calbayog, Samar noong Marso 25-30.
- Latest