Unahang makalapit sa titulo

MANILA, Philippines — Kakalas sa 2-2 pagkakabuhol ang Talk ‘N Text at San Miguel upang makalapit ng isang hakbang sa asam na kampeonato sa krusyal na Game 5 ng kanilang 2019 PBA Commissioner’s Cup best-of-seven Finals series sa Smart Araneta Coliseum.

Sisiklab ang banggaan sa alas-7 ng gabi kung saan ang mapalad na mananalo ay makaka-una sa duwelong nauwi nalang ngayon sa best-of-three showdown.

Abante sa serye hawak ang 2-1 kartada, bigo ang KaTropa na makapagtayo sana ng malaking 3-1 kalamangan nang kapusin ito kontra sa mapaghiganting Beermen sa Game 4 noong Linggo, 101-106.

Nasaksihan ang umaatikabong laban na iyon ng 13, 578 na katao sa Big Dome na siyang pinakama-laking gate attendance sa PBA sa isang non-Ginebra game simula noong 2016. Ito na rin ang highest crowd number ngayong mid-season conference na inaasa-hang tataas pa sa krusyal na tie-breaking Game 5.

Ang dikit na pagkatalong iyon ang nais na ipagpag ng TNT ngayon para sa misyong lalong makalapit sa hangaring maibulsa ang kanilang unang PBA championship sa loob ng apat na taon.

Huling nag-kampeon ang KaTropa noon pang 2015 Commissioners’ Cup kumpara sa Beermen na nakasikwat na ng pitong tropeo sa nakalipas na limang taon.

Ang winning tradition at championship experience na iyon ang ipi-namalas ng Beermen sa Game 4 kung saan nag-lustay muna sila ng 17 puntos na kalamangan bago sumandal sa strong finish upang maitakas ang dikit na panalo.

Kung makakaulit ng tagumpay ngayon, lalong lalakas ang tsansa ng SMB sa mailap na grandslam lalo na’t sila rin ang kampeon ng first conference na Philippine Cup.

 

Show comments