^

PM Sports

TIP, BRT-St. Clare target ang win No. 3 Ulanday

Pang-masa

MANILA, Philippines — Itataya ng TIP at BRT Sumisip Basilan -St. Clare ang pareho nilang walang bahid na kartada ngayon para sa solo liderato ng Group B sa 2019 PBA Deve-lopmental League Foun-dation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sisiklab ang aksyon sa alas-5:30 ng hapon kung saan hangad ng parehong koponan na masungkit ang kanilang ikatlong sunod na tagumpay sa 14-team D-League tournament.

Bago iyon, pakay din ng Hazchem ang solo liderato sa Group A naman sa pakiki-pagtuos nito kontra sa Marinerong Pilipino sa alas-3:30 ng hapon.

Unang panalo naman ang nais ng mga bagitong koponan na Black Mamba Energy Drink at Alberei sa alas-1:30 ng tanghaling  curtain raiser.

Matapos hindi maka-sali noong nakaraang torneo, maugong ang naging pagbabalik ng TIP Engineers ngayong conference nang dikdikin ang unang dalawang kalaban nito sa 23.0-point winning margin.

Ibinaon ng mga bata ni head coach Potit De Vera ang McDavid-La Salle Araneta, 92-71 gayundin ang Hyperwash, 106-81 para sa maagang 2-0 baraha sa Group B na bunga aniya ng maagang pagsasanay nila.

“Makikita mo ‘yung progress ng team, how we improved dahil sila-sila na ang magkakasama simula pa noong summer,” ani De Vera na sasandal kay Sene-galese big man pap N’Diaye, Bryan Santos at Ivan Santos upang giyahan ang kanilang mis-yon sa ikatlong sunod na tagumpay.

Hindi naman iyon magiging madali lalo’t dominanteng St. Clare rin ang kanilang makakasagupa.

Determinadong maalpasan ang semifinal fi-nish nito noong nakaraang conference, mainit din ang naging simula ng Saints na ibinaon ang Hyperwash, 129-72 at Alberei, 114-81 sa pambihirang 40.0-point winning margin.

Sa kabila naman nito ay ayaw pakampante ni Saints mentor Stevenson Tiu.

“Doon kami mate-test (vs TIP),” ani Tiu.

Tatrangko naman sa atake ng St. Clare ay sina  Cris Dumapig, Jhaps Bautista, Junjie Hallare at Joshua Fontanilla gayundin si Malian big man Mohammed Pare.

vuukle comment

TIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with