MANILA, Philippines — Nang hindi na siya bigyan ng kontrata ng Houston Rockets ay kinuwestiyon ni Carmelo Anthony ang kanyang kakayahang patuloy na maglaro sa NBA.
Ayon sa dating star forward, halos isinuko na niya ang NBA career.
“I felt like the game didn’t want me back at that point in time,” wika ni Anthony sa panayam ng ESPN.
Ngunit ngayon ay araw-araw nag-eensayo si Anthony, isang 10-time All-Star forward, sakaling may humugot sa kanyang NBA team para sa darating na season.
“I’m in the gym every single day,” ani Anthony, ang six-time All-NBA player na huling naglaro para sa Rockets sa isang 10-game stint na nagtapos sa 2018 season.
Walang sinisisi si Anthony sa kanyang pagkawala sa Houston.
Si Rockets general manager Daryl Morey ang mismong nagsabing hindi na siya kailangan ng koponan.
“That was an ego hit. That was a pride hit,” wika ni Anthony. “I started questioning myself after that. Can I still do this?”