Cabagnot may bagong achievement

MANILA, Philippines – Patuloy ang pag-angat ni San Miguel guard Alex Cabagnot sa listahan ng mga pinakamagaling na guwardiya sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ito ay matapos ang isa na namang karangalang naisukbit kamakalawa ng gabi nang tulungan ang Beermen na makuha ang ikawalang sunod nitong panalo bunsod ng 128-108 kontra sa Phoenix sa idinaraos na 2019 Commissioner’s Cup.

Sa krusyal na panalo ay nag-ambag si Cabagnot ng  16 puntos, tatlong rebounds, tatlong steals at ang mahalagang apat na assists.

Ang apat na assists ng 36-anyos na si Cabagnot ay naglagay sa kanya ngayon sa ikapitong puwesto  ng PBA All-Time assists leaders hawak ang 3, 232 na assists.

Naungusan ni Cabag-not si ‘Point Laureate’ Ronnie Magsanaoc na nagtala ng 2, 228  assists sa kanyang career.

Dahil dito ay nakasama sa pambihirang assists club si Cabagnot na kinabibilangan nina Sonny Jaworski (5, 825), Ramon Fernandez (5, 220), Dindo Pumaren (4, 043), Johnny Abarrientos (3, 757), Jimmy Alapag (3, 401) at Willy Gene-ralao (3, 256) na nasa no. 1 hanggang no.6 spots, ayon sa pagkakasunod.

Bukod sa individual achievement na ito ni Cabagnot, mayroon din siyang walong kampeonato, PBA Finals MVP, pitong All Star Selection, All Star MVP, Mythical First at Second Team at Comeback Player of the Year simula nang pumasok sa PBA noong 2005 bilang 2nd overall pick.

 

Show comments