Livingston bibitawan ng Golden State
OAKLAND, California - Bibitawan ng Golden State si veteran guard Shaun Livingston, nagwagi ng tatlong NBA titles para sa Warriors, ayon sa ESPN.
Ito ay sa kabila ng intensyon ng 34-anyos na Li-vingston na maglaro sa Warriors ng isa pang season para sa kanyang pang-16 taon sa liga.
Ibinuhos ng No. 4 overall selection ng Los Angeles Calippers noong 2004 NBA Draft ang kanyang huling limang seasons sa Warriors, natalo sa Toronto Raptors sa nakaraang 2019 NBA Finals.
Nagtala siya ng mga averages na 4.0 points at 1.8 assists sa 64 games sa nakalipas na season at may parehong numero sa 22 playoff games.
Tumipa si Livingston ng mga averages na 6.3 points at 3.0 assists sa 833 career games (191 starts) para sa Warriors, Clippers, Brooklyn Nets, Charlotte Hornets, Milwaukee Bucks, Cleveland Cavaliers, Washington Wizards, Oklahoma City Thunder at Miami Heat.
Dahil sa knee injury ay hindi siya nakapaglaro noong 2007-08 season.
Samantala, inaprubahan ng mga NBA team owners ang dalawang bagong pagbabago sa instant replay rules kung saan papayagan ang coach’s challenge at iba pang video reviews sa NBA Replay Center.
Ang bagong patakaran, inirekomenda ng NBA competition committee, ay ipinapatupad na sa mga NBA Summer League games at gagamitin ngayong 2019-20 season para sa one-season trial basis.
Ang coach’s challenge ay gagamitin sa mga li-mitadong sitwasyon kung saan ang isang koponan ay dapat may isa pang natitirang timeout.
Unang sinubukan ang replay center reviews sa nakaraang summer league.
“These initiatives further strengthen our officiating program and help referees make the right call,” sabi ni NBA President of League Operations Byron Spruell. “Giving head coaches a voice will enhance the confidence in our replay process among teams and fans and add a new, exciting strategic element to our game.”
“Enabling the NBA Replay Center to trigger instant replay will improve game flow and provide real-time awareness of any adjustments to the score,” dagdag pa nito.
Ang bawat koponan ay magkakaroon ng isang coach’s challenge sa isang laro, magtagumpay man ito o hindi, sa isang personal foul sa player ng nasabing tropa, sa out of bounds call o pagtawag sa goaltending o basket interference.
Ang ‘personal foul challenge’ ay puwedeng hingin sa huling dalawang minuto ng fourth quarter o sa mga overtimes at tanging ang mga on-court referees ang makakahiling ng ‘challenges’ para sa basket interference, goaltending o out of bounds calls.
Para kontrahin ang isang tawag ng referee, dapat tumawag ang koponan ng timeout kasabay ng pagbibigay ng signal ng coach ng ‘challenge’ sa pamamagitan ng pagpapaikot ng kanyang daliri sa direksyon ng mga referees.
Ang penalty sa pagtatangka sa ‘challenge’ nang wala ng timeout ay isang technical foul at hindi bibigyan ng ‘challenge’ ang isang tawag ng referee.
- Latest