^

PM Sports

My shelltex wagi sa Silab

Nilda Moreno - Pang-masa

May carry over sa Pentafecta at Super 6

MANILA, Philippines — Mula umpisa hanggang meta, nagbakbakan sa unahan ang My Shelltex at liyamadong Silab sa naganap na 2019 PHILRACOM Three-Year-Old Locally Breed Stakes Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Ang resulta: nanaig ang My Shelltex na nirendahan ni datingPhilippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Guce.

Umarangkada agad sa largahan ang My Shelltex na pumuwesto sa tabing balya at Silab na sinakyan ni class A rider AR Villegas,

Sa sobrang bilis ng karera ay naiwanan ng My Shelltex at Silab ang mga humahabol.

Nagpalitan ng pagkuha sa unahan at pagsapit ng huling kurba ay hawak na ng Silab ang bandera pero ulo lang ang pagitan sa winning horse.

Nagtrabaho ng todo si Guce, kayog at palo ng latigo ang ipinatikim nito kay My Shelltex para maagaw ang bandera at angkinin ang korona sa nasabing karera.

“Mabigat ang nilabanan ng My Shelltex kaya kahit nakipaglutsahan ito ay alam ko may itatagal siya,” saad ni Clarito De Jesus kahapon habang pumipila sa teller sa karerahan.

“Nasa tabing balya kami, kaya kahit paano nakapagpahinga ng konti,” ani Guce, anak ni dating star jockey na si Jesus “El Maestro” Guce.

Inirehistro ng My Shelltex ang 1:55.2 minuto sa 1,800 meter race para makopo nito ang halagang P300,000 habang P112,500 ang napunta sa Silab na pangalawang tumawid sa finish line.

May P62, 500 ang naiuwi ng terserong Weather Lang habang P25,000 ay nahamig ng fourth placer na Electrify.

Nakatanggap din ng P15,000 ang breeder ng winning horse na inisponsoran ng Philippine Ra­cing Commission.

Samantala, nagkaroon agad ng carry over sa Pentafecta at Super Six dahil nakapasok ang mga dehadong Electrify at Always Ready.

Sa Race 2, makapigil hininga ang nasilayan na bakbakan ng mga karerista sa meta sa naganap na PHILRACOM Charity Race 5th PPP.

Pagdating ng rekta nagkapanabayan sina Oasis at Lollipop pero bigla silang nirematehan ng Hidden Eagle at Speak Easy.

Pakitaan ng talento ang dalawang hinete na sina class A riders John Alvin Guce na sinakyan ang Hidden Eagle at Jeffril Zarate na sumakay sa Speak Easy.

“Ang galing ng mga hineta siyempre pati na ang kabayo, sana palaging ganyan ang labanan,” hayag ni Carlito  Balbuena, veteran karerista.

Ulo lang ang nilamang ng Hidden Eagle sa Speak Easy, sa inilista nitong tiyempong 1:19.8 minuto sa 1,300 meter.

Nakopo rin ng may-ari ng Hidden Eagle ang added prize na P20,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Club Inc.

Tumersero ang Oasis habang dumating na pang-apat ang Lollipop.

SILAB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with