NEW YORK -- Opisyal nang isang Pelican si Zion Williamson matapos siyang hirangin ng New Orleans bilang No. 1 overall pick ng 2019 NBA Draft kahapon.
“I dreamed about this since I was 4,” sabi ni Williamson, ang 6-foot-7, 285-pound Duke power forward na nakasuot ng cream-colored suit jacket, sa panayam ng ESPN matapos tawagin ang kanyang pangalan sa Barclays Center.
“I don’t know what to say. I didn’t think I’d be in this position. My mom sacrificed a lot for me. I wouldn’t be here without her,” dagdag pa nito.
Nagdomina si Williamson, ang college basketball player of the year, sa kanyang tanging season sa collegiate level.
Nagtala siya ng mga averages na 22.6 points, 8.9 rebounds, 2.1 steals, 1.8 blocks at 2.1 assists per game para sa Duke University.
Sa paglipat ni Anthony Davis sa Los Angeles Lakers ay ang Spartanburg, South Carolina native ang inaasahang magiging bagong mukha ng prangkisa ng Pelicans.
Nagtala ang New Orleans ng 33-49 record sa nakaraang season bago pumasok sa isang blockbuster deal na nagdala kay Davis sa Lakers kapalit ng tatlong players at picks.
Samantala, kinuha ng Memphis Grizzlies si Murray State star Ja Morant bilang No. 2 pick.
Nauna nang dinala ng Grizzlies si guard Mike Conley, ang kanilang longtime point guard, sa Utah Jazz.
Hinugot naman ng Knicks si RJ Barrett, tinalo si Williamson sa Atlantic Coast Conference in scoring, bilang No. 3 selection.
Si De’Andre Hunter ng national champion Virginia ang kinuhang No. 4 pick, bahaging trade kay Anthony, ng Pelicans ngunit kaagad siyang ibinigay sa Atlanta Hawks.
Nakuha rin sina No. 5 Vanderbilt guard Darius Garland (Cleveland Cavaliers), No. 6 Jarrett Culver (Minnesota Timberwolves).
Samantala, hinirang si Rui Hachimura bilang unang player mula sa Japan na napili sa first round ng NBA draft matapos hugutin bilang No. 9 overall pick ng Washington Wizards.