MANILA, Philippines — Ang 10th-year celebration ng Le Tour de Filipinas ang tatalakayin sa Philippine Sportswriters Association Forum ngayon sa Amelie Hotel-Manila.
Pamumunuan ni Le Tour de Filipinas chairman Donna Lina ang guests list na kinabibilangan ng mga coaches, captains at ilang riders ng mga koponan.
Sina defending titlist El Joshua Cariño at Reinhardt Gorantes ang kakatawan sa national team, habang sina Marcelo Felipe at Ric Rodriguez ang mangunguna sa 7-Eleven Air21 Cliqq Roadbike Philippines.
Inimbitahan din ang Cignal-Ateneo na kumuha ng unang finals berth sa PBA D-League sa pang-alas-10 ng umagang sports program.