MANILA, Philippines — Ang nangyaring kaguluhan sa General Assembly ng Philippine Olympic Committee ang pag-uusapan bukas sa ika-24 edisyon ng “Usapang Sports” na ini-hahandog ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.
Inaasahang magpapaliwanag ang mga POC top officials sa naturang isyu lalo pa at naghahanda ang bansa sa pamamahala sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Noong Lunes ay tinanggal ni POC president Ricky Vargas sa puwesto si dating POC head Jose “Peping” Cojuangco kasama ang ilang high-ranking officials na ikinukunsidera niyang “an interloper and outsider.”
Ang pang-alas-10 na umagang public service program na itinatagu-yod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Gu-yabano Tea Leaf Drinks ang magiging unang public appearance ng mga POC officials matapos ang nasabing General Assembly.
Ang mga inalis ni Vargas sa puwesto ay sina Joey Romasanta at Monsour del Rosario bilang Chef de Missions ng 2020 Tokyo Olympics at 2019 SEA Games, ayon sa pagkakasunod.