MANILA, Philippines — Kailangan umano ng Philippine Olympic Committee ang pagkakaisa para maayos ang mga gulong hinaharap nito nga-yon, ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez kahapon.
Ito ang reaksyon ni Ramirez sa balitang iniluklok siya ni POC President Ricky Vargas bilang bagong Chief of Mission para sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa kapalit sa tinanggal na si dating Makati Rep. Monsour Del Rosario.
“No comment ako diyan. Kasi busy ako sa aming grassroots deve-lopment program with the DepEd and the different local government units (LGUs). They (POC) have to be united to be able to resolve whatever problem there may be. If they get united, tingnan natin,” sabi ni Ramirez.
Ang 30th Sea Games, ang ikaapat na hosting ng bansa ay gaganapin sa Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11 sa Clark-Angeles City, Subic, Tagaytay City at Metro Manila.
Kung matatandaan ay si Ramirez rin ang Chief of Mission nang ginawa dito sa Pilipinas ang Sea Games noong 2005 kung saan nakamit ng Team Philippines ang overall title sa unang pagkakataon simula noong 1977.
Si Ramirez na rin ang PSC chairman sa panahong iyon.
Isa ang Philippine Taekwondo Association secretary-general na si Del Rosario sa mga tinanggalan ni Vargas ng posisyon sa mga key committees ng POC sa ginanap na POC General Assembly kahapon sa Max Restaurant ng Kapitolyo, Pasig City.
Ang ibang tinanggalan ng posisyon ay sina dating POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco bilang chairman ng constitution and by-laws committee at squash presi-dent Robert Bachmann bilang head ng membership committee.
Tinanggal din si POC first vice-president Joey Romasanta bilang chief of mission sa 2020 Olympic Games sa Tok-yo, Japan. Napabalita ring si POC chairman at Tagaytay Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ang ipinalit kay Romasanta.
Ayon naman kay Romasanta, hindi valid ang pagkakatanggal sa kanila dahil hindi ito desisyon ng POC General Assembly.