Petron XCS kampeon sa PSL Beach Volley

MANILA, Philippines — Naibulsa ng Petron XCS ang ikatlong sunod na kampeonato matapos patumbahin ang Sta. Lucia Santorini sa finals ng Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup na ginanap sa Capitol Beach Front sa Lingayen, Pangasinan.

Nakipagsanib-pu-wersa si Petron ace Bernadeth Pons sa pagkakataong ito kay Cesafi champion Dij Rodriguez upang itarak ang matamis na 21-10, 21-14 demolisyon kina Jackie Estoquia at Dhannylaine Demontano ng Sta. Lucia Santorini.

Ito ang ikatlong kampeonato ni Pons sa liga.

Napanalunan ni Pons ang unang dalawang korona kasama si Sisi Rondina.

Ngunit hindi nakapag-laro si Rondina dahil kasama ito ng University of Santo Tomas sa finals ng UAAP Season 81 women’s indoor volleyball tournament.

“Sinabi sa akin ni Sisi na i-defend daw ang title,” wika ni Pons.

Muling magkakasama sina Pons at Rondina sa FIVB Beach Volleyball World Tour na gaganapin sa Boracay sa Mayo 23 hanggang 26.

“At first, I was a little worried to have a new partner because we all know how Sisi plays. But as they say ‘worry attracts problem’ so I changed my worry into trust. I know she’s already experienced playing on sand so I trusted her and she trusted me. We trusted and helped each other to claim this victory,” ani Pons.

Napasakamay naman nina Bianca Lizares at Jennifer Costas ng Sta. Lucia Woodside ang tansong medalya makaraang itakas nito ang pahirapang 21-16, 14-21, 17-15 panalo laban kina Derie Rose Virtusio at Mary Rose Jauculan ng Petron Sprint 4T sa bronze-medal match.

Magandang konsolas-yon nito para kay Costas na nagtamo ng arm injury sa quarterfinals ngunit nagawa pa ring makalaro sa semifinals at sa battle-for-third game.

Sa men’s division, naghari sina Edmar Bonono at Ran Ran Abdilla ng Cignal nang payukuin nila sina Kris Guzman at Efraem Dimaculangan ng Foton, 21-18, 19-21, 15-13 sa finals.

Nagkasya sa tanso sina Jason Lindo Uy at Philip Michael Bagalay ng Philippine Army na nagwagi naman kina Joshua Mina at Joshua Pitogo ng Emilio Aguinaldo College, 21-17, 21-14, sa bronze-medal match.

Show comments