^

PM Sports

Playoff berth asam ng Ironcon-UST

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang makasikwat ng playoff berth ang ha-ngarin ng Ironcon-UST ngayon sa krusyal na laban kontra sa Che’Lu Bar and Grill sa umiinit na 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Magaganap ang banggaan sa main game ngayong alas-4 ng hapon kung saan pakay ng Growling Tigers na masundan ang Cignal-Ateneo sa playoffs papalapit sa dulong bahagi ng elimination round.

May 5-1 kartada nga-yon, siguradong aabante sa playoffs ang UST kung maitatakas ang tagumpay kontra sa mapanganib na Revellers.

Subalit higit pa doon ang tangka ng España-based squad dahil susu-bok din silang mapalakas ang tsansa para sa top two spots sa Aspirants’ Group na mabibigay sa kanila ng ‘twice-to-beat’ in­centive sa crossover quarterfinals kontra sa Foundation Group.

Para kay head coach Aldin Ayo, gagawin lang nila ang dapat nilang gawin lalo’t hindi naman ang tagumpay sa D-League ang end goal nila kundi ang makapaghanda para sa Season 82 ng UAAP.

“What we’re thinking is how to establish our system. It’s important this early na mabuo ‘yung team at magawa ng mga bata ang system,” ani Ayo.

Sasandal ang UST sa 111-90 panalo  kontra sa si­bak nang McDavid noong nakaraang Lunes.

Naatasan ni Ayo na trumangko sa kanilang ata­ke ang Beninese forward na si Soulemane Chabi Yo kasama ang mga beteranong sina Renz Subido at Marvin Lee gayundin ang mga palabang bagito na sina Mark Nonoy at Rhenz Abando.

Sa kabilang banda, hindi naman basta-basta ti­tiklop ang Revellers lalo’t hangad nilang mapanatiling buhay ang pag-asa sa playoffs bunsod ng mapanganib na 3-3 baraha.

Gutom na sasabak sa duwelo ang Che’Lu lalo’t kagagaling lang nito sa masakit na 88-102 kabiguan kontra sa Cignal-Ateneo na naglagay sa kanila ngayon sa must-win situation.

 

 

PLAYOFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with