Pacio nabawi ang korona kay Saruta
MANILA, Philippines — Muling napasakamay ni Pinoy fighter Joshua Pacio ang ONE Championship strawweight crown matapos resbakan si Japanese Yosuke Saruta sa ONE: Roots of Honor sa MOA Arena sa Pasay City noong Biyernes ng gabi.
Pinatumba ni Pacio si Saruta sa fourth round patungo sa pagbawi ang naisuko niyang korona sa ONE: Eternal Glory sa Jakarta noong Enero.
Muling nakasama ni Pacio si Fil-Am Brandon Vera, ang kampeon sa heavyweight division, bilang mga Pinoy ONE champions.
Ang tagumpay ni Pacio ang tumabon sa mga naunang kabiguan nina ONE titlists Eduard Folayang, Kevin Belingon at Geje Eustaquio.
Umiskor naman si Edward Kelly ng second-round stoppage laban kay South Korean Sung Jong Lee, habang naglista si Ramon Gonzales ng first-round submission win kay Japanese Akihiro Fujisawa, habang bumagsak si Eric Kelly kay South Korean Kwon Won Il sa first round.
- Latest