Walton sinibak ng Lakers

LOS ANGELES — Tat­long araw matapos ang biglaang pagbibitiw ni president of basketball operations Magic Johnson ay sinibak ng La­kers si Luke Walton bi­lang head coach.

Inihayag ni Lakers ge­neral manager Rob Pelinka ang pagpapatalsik kay Walton.

Nabigo ang da­ting La­kers forward na si Walton na maipasok ang 16-time NBA cham­pions sa playoffs sa kabila ng paglipat sa ka­nila ni LeBron James.

“I want to thank Jea­nie Buss and the Buss family for gi­ving me the opportunity to coach the Lakers,” ani Walton sa kanyang statement. “This franchise and the city will always be special to me and my fa­mily.”

Sa kanyang ikatlong season ay iginiya ni Walton, dating assistant sa Golden State Warriors, ang Lakers sa 37-45 record.

Sina Tyronne Lue at 76ers assistant Monty Williams ang posibleng pumalit kay Walton.

Show comments