^

PM Sports

Wade gagawin ang farewell game

Pang-masa
Wade gagawin ang farewell game
Sina LeBron James ng Lakers at Dwyane Wade ng Heat.

MIAMI — Sa Biyernes ay posibleng hindi na isang professional basketball player si Heat star guard Dwyane Wade.

Ito ang katotohanan, gusto man niya o hindi.

Matapos ang 16 seasons bilang isang NBA pla­yer at makaraan ang tatlong kampeonato, halos ta­un-taon na paglalaro sa All-Star Game, isang sco­ring title, tatlong prangkisa, apat na anak, isang Olympic gold medal at 161 teammates, ito na ang katapusan ng career ni Wade.

Ilalaro ni Wade ang kanyang final home regular season game sa pagsagupa ng Heat sa bisitang Philadelphia 76ers.

Kinabukasan ay tatapusin ni Wade ang kanyang season sa pagharap naman sa Brooklyn Nets.

“I gave this game everything I had,” wika ni Wade. “And I have appreciated every bit of it.”

Sa 64 posibleng senaryo kasama ang Brooklyn Nets, Orlando Magic, Detroit Pistons at Charlotte Hornets ay nakatiyak na ang Nets at Magic ng tiket sa postseason anuman ang mangyari.

“It’s been incredible. It’s been amazing,” sabi ni Wade. “A lot of people in that arena have watched me grow, have watched me be imperfect, have watched me make a lot of mistakes in life, as well as watched me blossom.”

vuukle comment

DWYANE WADE

LEBRON JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with