Sweep ng Petron
MANILA, Philippines — Pinulbos ng reigning champion Petron ang Cignal, 25-15, 25-19, 25-14 upang makumpleto ang sweep sa first round ng eliminasyon sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa Muntinlupa Sports Center.
Hindi nagpaawat si American import Kathe-rine Bell na humataw ng 19 puntos mula sa 15 attacks, dalawang blocks at dalawang aces sa kabila ng iniindang sakit na trangkaso para dalhin ang Blaze Spikers sa imakuladang 7-0 kartada.
“I prepared myself all day for this. Last night, I was feeling kind of down, this morning I definitely got a little better but they need to check and I said oh no I’m preparing myself all morning I’m playing in this game tonight and thank God I was able to play,” ani Bell.
Malakas ang suportang nakuha ni Bell mula sa kapwa reinforcement na si Stephanie Niemer na nagpakawala rin ng matatalim na atake at matutulis na service aces habang nag-ambag din sina Remy Palma, Mika Reyes at Aiza Maizo-Pontillas sa attack line.
Maganda rin ang kumbinasyon nina libero Denden Lazaro at playmaker Rhea Dimacula-ngan para makabuo ng matikas na plays upang tapusin ng Blaze Spikers ang laban sa loob lamang ng 66 minuto.
Dominante ang Blaze Spikers sa spiking department nang magbaon ito ng 41 kills laban sa 20 lamang ng HD Spikers.
Nakalikom pa ang Petron ng 13-6 edge sa aces at kumuha tatlong puntos mula sa blocks at 18 libreng puntos mula sa errors ng Cignal.
- Latest