^

PM Sports

SMB-Alab tinambakan ang Mono Vampire

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasungkit ng two-peat seeking San Miguel-Alab Pilipinas ang ika-16th panalo matapos tambakan ang Mono Vampire-Thailand, 78-59 sa pagpapatuloy ng 9th ASEAN Basketball League noong Sabado ng gabi sa Stadium 29 ng Nonthaburi, Thailand.

Muling nagsanib-puwersa ang dalawang Puerto Rican imports na sina Renaldo Balkman at PJ Ramos upang palawakin sa 16-3 ang kanilang win-loss record, apat na panalo ang agwat sa pumapangalawang Formosa Dreamers (12-6) at limang laro sa pumapa-ngatlong Singapore Slingers (11-7).

Lumawak din sa 5-3 ang road win ng tropa ni coach Jimmy Alapag bukod pa sa pinakamataas na 11-0 sa home court. Ang Mono Vampire na tinalo ng Alab Pilipinas sa best-of-five Finals, 3-2 noong nakaraang taon ay nanatili sa pang-siyam na puwesto sa 5-14.

Ito na rin ng ikalawang panalo ng Filipino team sa koponan ng Thailand kasunod  ng 110-100 tagumpay sa una nilang paghaharap noong Enero 20 sa Sta. Rosa, Laguna.

Mayroon pang natitirang pitong laro ang Alab Pilipinas sa elimination round kaya kailangan nilang ipagpapatuloy ang matikas na laro upang makuha ang top spot at magkaroon ng home court advantage sa playoff round.

Hindi rin nakapaglaro ang dating Magnolia Pambansang Manok import na si 6’6 Romeo Travis dahil sa injury kaya naging maluwag para kay Balkman, Ramos, Bobby Ray Parks Jr. at Ethan Alvano ang depensa ng Vampire.

Umani si Balkman ng 31 puntos, anim na rebounds, apat na steals, dalawang assists at dalawang blocks habang ang 7’3 na si Ramos ay tumulong ng 16 puntos, 19 rebounds, pitong assists at isang blocks para sa Alab Pilipinas.

Tumapos din ng siyam na puntos si Parks na may kasamang anim na rebounds, limang assists, dalawang steals at isang block habang tig-walong puntos bawat isa sina Lawrence Domingo at Nico Javelona.

MONO VAMPIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with