Gordon iniangat ang Houston
OAKLAND, California — Hindi naglaro si NBA scoring leader James Har-den matapos magkaroon ng strained neck sa kanilang ensayo.
“He might’ve played even with a sore neck, he had a little touch of the flu. It was a combination of everything,” sabi ni Houston coach Mike D’Antoni kay Harden.
Umiskor si guard Eric Gordon ng 25 points kasama ang apat na three-pointers at kumonekta si Chris Paul ng dalawang free throws sa huling 1:08 minuto ng fourth period para akayin ang Rockets sa 118-112 paggupo sa Golden State Warriors.
Tumapos si Paul na may 23 markers at itinala ang 11 sa kanyang season-high na 17 assists sa first half para marating ang 9,000 assists sa career niya.
Ang triple at dalawang foul shots ni Stephen Curry sa huling 1:26 minuto ng laro ang naglapit sa Golden State sa 110-114 agwat bago isinalpak ni Paul ang dalawa niyang free throws para muling ilayo ang Houston.
Kumamada si Kevin Durant ng 29 points at naglista si Curry ng 25 markers, kasama ang limang tres, 9 rebounds at 7 assists para sa Warriors, nagwakas ang five-game home winning streak.
Sa Milwaukee, tumipa si Khris Middleton ng 28 points, habang nagposte si Giannis Antetokounmpo ng 27 points at 10 rebounds para pamunuan ang NBA-leading Bucks sa 140-128 paggiba sa Minnesota Timberwolves.
Naipanalo ng Milwaukee (45-14) ang 10 sa kanilang huling 11 laban.
Binanderahan ni guard Derrick Rose ang Timberwolves, naglaro nang wala si center Karl-Anthony Towns sa ikalawang sunod na laro, mula sa kanyang 23 markers.
Sa Cleveland, humataw si Kevin Love ng season-high na 32 points at nagsalpak si Cedi Osman ng go-ahead triple sa dulo ng fourth quarter para ihatid ang Cavaliers sa 112-107 pananaig sa Memphis Grizzlies.
- Latest