MANILA, Philippines — Inaasahan ni Filipino Jeremy Miado na muli niyang tatalunin ang dating world champion na si Dejdamrong Sor Amnuaysirichoke ng Thailand para sa inaasam na tsansang makalaban para sa korona ng strawweight division sa ONE Call to Greatness na nakatakda bukas sa Singapore Indoor Stadium sa Singapore.
Nauna nang tinalo ni Miado si Amnuaysirichoke via first-round knockout win sa loob ng 81 segundo sa ONE: Iron Will sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand noong Marso ng nakaraang taon.
“I have the greatest respect for Dejdamrong Sor Amnuaysirichoke, but I am coming for the win and I am confident I can do it again in this rematch,” wika ni Miado.
Wala namang ibang nasa sa isip ang Thai fighter kungdi ang makaganti sa Pinoy warrior sa kanilang ikalawang pagtutuos.
“Jeremy Miado is a tough warrior and I can’t underestimate him. I will give a better performance in this rematch and make my fans in Singapore and Thailand proud,” sabi ni Amnuaysirichoke.
Nagmula ang 25-anyos na tubong Marikina City sa second round technical knockout victory kontra kay Chinese Xuewen Peng sa ONE: Conquest of Champions sa MOA Arena sa Pasay City noong Nobyembre ng nakalipas na taon para sa kanyang 8-3 record.
Umaasa si Miado na kung muli niyang tatalu-nin si Amnuaysirichoke na magpapalakas ng kanyang pag-asang makalaban para sa ONE strawweight championship.
Ang main event ay tatampukan ng banatan nina Stamp Fairtex at Janet Todd para sa inaugural ONE Atomweight Muay Thai World Championship.