^

PM Sports

Navy-Standard handa na para sa Ronda

Andrew Dimasalang - Pang-masa

ILOILO CITY, Philippines — Handa na ang Philippine Navy-Standard Insurance sa misyon nitong madepensahan ang korona sa nalalapit na 2019 Ronda Pilipinas na papadyak na bukas hanggang Peb. 12 dito.

Iyan ang sinigurado ni head coach Reinhard Gorrantes sa kabila ng mas malalakas na mga kalaban ngayon sa Ronda tour na bahagi na ng International Cycling Union (UCI) sa unang pagkakataon mula nang magsimula ito noong 2011.

“Ayaw naman naming sumabak na hindi kami preparado. Preparado kami ngayon lalo kami yung nanalo last year,” ani Gorrantes matapos ang pagsasanay nila kahapon sa palibot ng Iloilo City.

Seryoso sa hangad na Ronda title repeat, inamin ni Gorrantes na tatlong buwan na silang nagsasanay simula pa noong Nobyembre at narito na sa Iloilo City noong nakaraang buwan pa lamang upang maging pamilyar sa ruta at sa klima.

Sa kabila nito, hindi umaasa si Gorrantes ng madaling karera ngayon lalo’t papadyak sila kontra sa 14 na iba pang local at international teams.

Kampeon din ng  isa pang UCI-sanctioned na Le Tour de Filipinas noong nakaraang taon, mapapasabak ang Navy kontra sa palaban na local teams na 7 Eleven Cliqq – Air 21 Roadbike Philippines, Go For Gold, Team Franzia, Army Bicycology, Tarlac at Bike Extreme. Makikilatis din sila kontra sa foreign squads na Terrengganu INC TSG Cycling team ng Malaysia, Team Matrix Powertag ng Japan, NEX cycling team, Korail ng Korea, Sri Lanka Navy Cycle team, Cambodia cycling team at  PGN Cycling team ng Indonesia.

Lalarga ang five-stage na karera sa 197.6-kilometrong Iloilo-to-Iloilo Stage One bukas kasunod ang 101.8-km Guimaras-to-Guimaras Stage Two, 179.4-km Iloilo-to-Roxas City, Capiz Stage Three, 146.9 km Roxas-to-Roxas Stage Four at ng 148.9-km Stage 5 mula sa Roxas City papuntang Antique.

INTERNATIONAL CYCLING UNION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with