MANILA, Philippines — Walang duda na malakas pa rin ang hatak ni WBA welterweight champion Manny Pacquiao sa mga boxing fans matapos kumita ng $6 milyon mula sa 11,410 gate tickets ang laban nito kontra kay Adrien Broner noong Enero 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Ito ang inilabas na numero ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) na siyang opisyal na naghahayag ng eksaktong bilang ng mga nanood sa venue.
“I’m actually not surprised about the numbers. I believe that he is going to do good numbers at any given date. It is better than good. It is the testament to the senator whoever he is or wherever he is,” pahayag ni Sean Gibbons na miyembro ng Team Pacquiao.
Iba pa ito sa kinita ng Pacquiao-Broner fight mula naman sa pay-per-views kung saan umabot sa 400,000 ang pay-per-view buys base sa ulat ni Yahoo Sports columnist Kevin Iole.
Bahagyang mas malaki ito kumpara sa 300,000 buys nang huling lumaban si Pacquiao sa Amerika kontra kay Jessie Vargas noong 2016.
Subalit malayo pa rin ito sa 4.6 million pay-per-view buys nang unang magkrus ang landas nina Pacquiao at undefeated American pug Floyd Mayweather Jr. noong 2015.
“The gate that Pacquiao and Broner did is right up there with some of the biggest gates that Manny did in his prime and heyday, doing the gate over six million there is only few fighters that do that maybe Floyd (Mayweather Jr.) and Canelo (Alvarez) when they fought,” dagdag ni Gibbons.
Nag-aabang pa ang buong samba-yanan sa susunod na laban ni Pacquiao kung saan pinakamaingay ang pangalan ni WBA super welterweight champion Keith Thurman sa posible nitong makalaban sakaling hindi matuloy ang Pacquiao-Mayweather rematch.
Nababanggit din sina Shawn Porter at Errol Spence na posibleng labanan ni Pacquiao.