MANILA, Philippines — Mawawala ng hanggang tatlong buwan si Jerramy King ng Columbian sa idinaraos na 2019 Philippine Basketball Association (PBA).
Ito ay bunsod ng punit sa kanyang posterior cruciate ligament na natamo niya sa unang laban pa ng Dyip noong nakaraang linggo kontra sa San Miguel Beer.
“It’s my PCL. It’s a slight tear so I will be out 2-3 months. I hope I can do my recovery process faster,” ani King na pumunta pa rin sa laban ng Columbian kamakalawa kahit pa naglalakad sa tulong lamang ng dalawang saklay.
Ayon kay King, naramdaman niya na ang sakit noong second quarter pa lamang ng laban na pinagwagian ng Dyip, 124-118.
“I went for a layup on Chris Ross and I fell down. My adrenaline helped me to play through the game but after the game I wasn’t able to walk anymore. So I went to the doctor and that’s what they told me,” dagdag ni King.
Malaking dagok ito hindi lamang para sa Columbian kungdi pati na rin kay King na kagagaling lamang sa masiklab na 2018 PBA Season kung saan naging kandidato siya sa Most Improved Player of the Year.
“It’s a tough injury. Like you said, I was a candidate for Most Improved and I’ve been playing well,” dagdag niya.
“You know, everything’s in God’s hands and if this is the position I needed to be in, I just try to stay positive and come back stronger.”
Sa kabila naman ng injury, hindi mapipigil si King na magpakita ng suporta sa koponan at makatulong sa kahit ano mang paraan patunay ang pagdalo niya sa laban kamakalawa ng gabi kahit pa hirap na makapaglakad.