^

PM Sports

PBA Board pararangalan ng Press Corps

Pang-masa

MANILA, Philippines — Gagawaran ng para-ngal ang PBA Board sa pamumuno ni chairman Victorico ‘Ricky’ Vargas sa silver anniversary celebration ng PBA Press Corps Annual Awards Night sa Enero 21 sa Novotel Manila Araneta Center.

Tatanggapin ni Vargas at ng PBA board ang special President’s Award mula sa grupo ng mga sportswriters na nagkokober sa PBA beat kaugnay ng kanilang naging pagkakaisa para sa katiwasayan ng liga.

Isinantabi ang ilang hindi pagkakaunawaan para sa pagkakaroon ng iisang hangarin, matagum-pay na naisagawa ng PBA board ang pang-43 season.

Bukod kay Vargas (TNT Katropa), ang iba pang miyembro ng board ay sina Vice-Chairman Richard Bachmann (Alaska), Treasurer Atty. Raymond Zorilla (Phoenix), Robert Non (San Miguel), Rene Pardo (Magnolia), Rod Franco (NLEX), Al Panlilio (Meralco), Atty. Ma-merto Mondragon (Rain or Shine), Bobby Rosales (Columbian Dyip), Siliman Sy (Blackwater), Alfrancis Chua (Barangay Ginebra) at Eric Arejola (NorthPort).

Si Vargas, ang presidente ng Philippine Olympic Committee (POC), ang tatayong guest speaker sa special rite na iniha-handog ng Cignal TV.

Ang PBA Board ay sasamahan din ng iba pang major awardees na pararangalan sa annual affair na magdiriwang ng ika-25 taon.

Si Vic Manuel ng Alaska ang kikilalaning Mr. Quality Minutes, habang si Poy Erram ng NLEX ang hinirang na Defensive Player of the Year at ang nagretirong si Chris Tiu ang Breakout Player of the Season.

Ang Game of the Season ay ang triple overtime match sa pagitan ng Barangay Ginebra at Rain or Shine samantalang si NorthPort guard Stanley Pringle ang Scoring Champion.

Pamumunuan ni Jason Perkins ng Phoenix ang All-Rookie team kasama sina Jeron Teng (Alaska), Paul Zamar (San Miguel Beer), Christian Standhardinger (San Miguel Beer) at Robbie Herndon (Magnolia).

Ang All-Interview Team ay binubuo naman nina coach Yeng Guiao (NLEX), Chris Ross (San Miguel), Joe Devance (Barangay Ginebra), Mike Digregorio (Blackwater), Standhardinger at Tiu habang sina June Mar Fajardo (San Miguel), Paul Lee (Magnolia) at Manuel ang tatanggap ng Order of Merit honor.

Ibibigay din ng PBAPC ang kauna-una-hang Lifetime Achievement Award bukod sa Danny Floro Executive of the Year at ang Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year Award.

vuukle comment

VICTORICO VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with