Coach Thibodeau sinibak sa Wolves

Tom Thibodeau

MINNEAPOLIS - Ilang oras matapos ang panalo ng Minnesota laban sa Los Angeles Lakers ay sinibak ng Timberwolves si head coach at president of basketball operations Tom Thibodeau, ayon sa multiple reports.

Iniulat ng The Athletic na si Ryan Saunders ang magiging interim head coach, habang mananatili si general manager Scott Layden sa kanyang posisyon.

Ayon sa ESPN, ikinukunsidera ni Timberwolves team owner Glen Taylor na hirangin si Fred Hoiberg nagtrabaho sa Minnesota’s front office bago naging Iowa State’s head coach noong 2010 bilang bagong head coach o GM.

Lumipat ang 60-anyos na si Thibodeau sa Minnesota noong 2016 at nagtala ng 96-107 sa two-plus seasons, kasama ang 18-21 ngayong season.

Noong nakalipas na season ay iginiya niya ang Timberwolves sa 47-35 record para sa una nilang playoff appearance sa nakalipas na 14 taon at nagkaroon ng problema sa trade demanda ni Jimmy Butler ngayong season.

Show comments