Alab itatayo ang 5-0 baraha

MANILA, Philippines — Asam ng nagdede­pen­sang San Miguel-Alab Pilipinas na mapa­natili ang malinis na kartada sa pagharap sa Wolf Warriors ng China sa  9th Asean Basketball League (ABL) sa Lapu-Lapu City Sports Complex sa Cebu.

Matapos ang mahabang pahinga dahil sa Yulitide Season ay ma­lakas ang kumpiyansa ng Filipino team sa ka­nilang pagharap laban sa baguhang Wolf Warriors ngayong alas-7 ng gabi.

Pinataob ng Alab Pi­lipinas ng dalawang be­ses ang CLS Knights-Indonesia at nagwagi kon­tra sa For­mosa Drea­mers, 86-72, noong Dis­yembre 21 sa Sta. Rosa, Laguna at sa Singapore Slingers, 77-71, noong Disyembre 23 sa Caloocan City Sports Complex para sa magandang 4-0 panimula sa liga.

Bunsod ng magandang umpisa ay tiwala rin si  head coach Jimmy Alapag na malalampa­san ng kanyang tropa ang ha­mon ng kopo­nan mula sa Chi­na na nag­titiis sa ilalim ng stan­ding sa 1-8 card.

Ang tanging panalo pa lamang ng Wolf Warriors ay laban sa CLS Knights-Indonesia, 96-88, noong Disyembre 19 sa Doumen Gym sa Zhuhai, China.

Ito pa lang ang una sa 11-game schedule  ng Alab Pilipinas sa buwan ng Enero dahil huli na silang nag-umpisa sa 2019-2020 season, habang ang iba ay nagsi­mula na noon pang Nob­yembre.

Pagkatapos ng Wolf Warriors ay lilipad ka­agad ang tropa ni Alapag sa Kuala Lumpur, Malaysia para harapin ang Westports Dragons sa MABA Stadium sa alas-8:30 ng gabi sa Miyerkules at uuwi pa­ra sa kanilang laban kontra sa 2018 semifinalist na Hong Kong Eastern Lions sa alas-8 ng gabi sa Biyernes sa Sta. Rosa, La­guna.

Bukod kina Puerto Ri­can imports Renaldo Balkman at PJ Ramos, sasandal din si Alapag ki­na back-to-back local MVP Bobby Ray Parks, Jr., Brandon Rosser at Caelan Tiongson.

 

Show comments