Miami binigyan ng regalo si Spoelstra

Iniwanan ni Justise Winslow ng Miami Heat ang de­pensa ni Jonathan Isaac ng Orlando Ma­gic para sa kanyang lay-up sa second half.

ORLANDO, Florida — Humugot si guard Tyler Johnson ng 20 sa kanyang 25 points sa third quarter para pamunuan ang Miami Heat sa 115-91 paggupo sa Magic.

Ito ang ika-500 coa­ching victory ni Filipino-Ame­­rican mentor Eric Spoelstra para sa Heat.

Nagdagdag si Justise Winslow ng 22 points at naglista si Josh Richardson ng 15 points at 10 re­bounds para sa Miami, ti­nalo ang Orlando sa unang pagkakataon sa ikat­lo nilang pagtutuos nga­yong season para sa 16-16 rekord.

Nagsalpak si Johnson ng limang three-pointers sa third quarter, tampok dito ang isang four-point play, bago ipinahinga sa fourth quarter.

Kumabig naman si Dwayne Wade, naglala­ro sa kanyang pang-24 at final game sa Orlando, ng10 points at 4 assists sa loob ng 24 minuto.

Si Spoelstra, naging coach Heat sapul noong 2008-09 season, ay may ca­reer coaching record na 500-336 at nanalo ng dalawang NBA titles.

Binanderahan naman ni Evan Fournier ang Ma­gic, nalasap ang ikatlong dikit na kamalasan, sa kanyang 17 points.

Sa Indianapolis, hu­ma­kot si Myles Turner ng 18 points at 17 rebounds para ihatid ang In­diana Pacers sa 105-89 pananaig laban sa Wa­shington Wizards.

Nagmula ang Wizards sa triple-overtime win laban sa Phoenix Suns sa Washington kamakala­wa.

May pitong players ang Pacers na umiskor ng double-figures tampok ang 15 points at 10 boards ni Domantas Sabonis.

Binanderahan ni Mar­kieff Morris ang Wi­zards mula sa kanyang 16 points kasunod naman ang 11 mar­kers ni Tho­mas Bryant.

Sa Sacramento, ku­mo­lekta si Willie Cauley-Stein ng 22 points at career-high 17 rebounds, habang nag-ambag si Bud­dy Hield ng 28 points para tulungan ang Kings na makabangon mula sa 11-point deficit sa fourth quarter tat balikan ang New Orleans Pelicans, 122-117.

Tumipa si Bogdan Bog­danovic ng 24 points, sa­mantalang nagtala si De’Aaron Fox ng 19 points at 11 assists at may 10 markers si Iman Shumpert.

Humataw naman si An­thony Davis ng 26 points at 17 rebounds sa pa­nig ng Pelicans.

Si Jrue Holiday ay nagdagdag ng 27 points, 6 assists at 7 rebounds pa­ra sa New Orleans, nalasap ang ikaapat na sunod na kabiguan at pang-12 sa huli nilang 17 laro.

Sa Detroit, nagsumite si Alex Len ng 15 points at season-high 17 rebounds at tumapos si Vince Carter na may season-best 18 points para pa­­munuan ang Atlanta Hawks sa 98-95 panalo kon­­tra sa Pistons.

Ito ang ikatlong sunod na ratsada ng Hawks, nakahugot kay Kent Bazemore ng 13 points.

Show comments