SMB-Alab lusot sa overtime vs Indons

MANILA, Philippines – Nangailangan ang nagdedepensang San Miguel-Alab Pilipinas ng ex­­tra period bago magwagi laban sa CLS Knights Indonesia, 88-80 sa pag­­pa­patuloy ng 9th Asean Basketball League (ABL) noong Linggo ng ga­bi sa GOR Basket Kertajaya Gym sa Su­rabaya, Indonesia.

Matapos umabot sa 75-75 tabla ang la­ban matapos ang regulation period, nag­pakawala ng 13-5 run sina imports Re­naldo Balkman at PJ Ramos at Bob­by Ray Parks, Jr. para maitala ang ika­lawang sunod na panalo kasunod ng ka­­­nilang 94-67 panalo sa unang laro no­ong Dec. 9 sa Sta. Rosa Complex.

Nanatili ang tropa ni coach Jimmy Alapag sa ikalawang puwesto sa 2-0 win-loss kartada sa likuran ng nangu-ngu­nang Formosa Dreamers-Taiwan na ha­wak ang 6-0 card.

Bibiyakin ng Alab Pilipinas at Formosa Dreamers ang parehong malinis na kartada sa kanilang paghaharap sa Biyernes sa Sta. Rosa Sports Arena sa Sta. Rosa, Laguna.

Kagaya ng inaasahan, pinangunahan ng best defensive player awardee noong nakaraang taon na si Balkman ang San Miguel-Alab sa kanyang 36 puntos, 12 rebounds at apat na steals habang ang 7’3 na si Ramos ay umani rin ng double-double na 25 points at 11 rebounds.

Sa una nilang laro, nagpasiklab na rin si Balkman ng 33 points at  11 rebounds, habang  20 points at 13 rebounds naman mula sa Puerto Rican na si Ramos.

Ngunit sa mga locals, tanging ang ba­gong PBA rookie draft second overall pick Booby Parks Jr. lamang ang tumapos ng double digits sa kanyang 10 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists habang ang iba ay hindi pa gaanong nakapagbigay suporta dahilan para dumikit ang Indonesian team.

 

Show comments