Championship title ang habol ni Harris
MANILA, Philippines — Kampeonato at hindi Best Import award ang hangarin ni Alaska reinforcement Mike Harris sa kabila ng kanyang kalamangan sa karera ng Best Import na parangal papasok sa eliminasyon ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup.
Iyan ang kanyang sinigurado matapos magtala ng 25 puntos at 17 rebounds sa 96-85 panalo ng Aces kontra sa karibal na San Miguel kamakalawa upang makaabante na sila sa semi-finals nitong season-ending conference.
Sa inilabas kasing inisyal na listahan ng Best Import candidates, nasa bahagyang unahan si Harris hawak ang 60.4 statistical points sa likod ng kanyang pambihirang rehistro na 29.8 puntos, 21.7 rebounds, 2.6 assists at 1.5 steals.
Humahabol naman sa likod niya sina Justin Brownlee (59.1) ng Barangay Ginebra at Eugene Phelps (58.0) ng Phoenix.
Subalit para kay Harris, wala siyang pakialam kung abutan man siya ng mga karibal dahil ang simpleng Best Import lamang ang kanyang asista kundi ay ang team goal na championship para sa Alaska na noon pang 2013 huling nagkampeon sa PBA.
“Once again, I had plenty of those (individual awards). Hats off to them. My thing is, I want to win. Once again, I don’t care about it,” anang 35-anyos na dating NBA player mula sa Utah Jazz.
- Latest