Collegiate stars papagitna sa PSL Grand Slam

MANILA, Philippines — Papalo ngayon ang Philippine Superliga Col­legiate Grand Slam tampok ang apat na ko­po­nang mag-uunahang makuha ang unang pa­nalo, habang magpapa­tuloy din ang bakbakan sa All-Filipino Confe­rence sa Ynares Sports Are­na sa Pasig City.

Lalarga ang salpukan ng University of the Philippines at Univer­sity of the East nga­yong alas-12 ng tanghali kasunod ang paluan ng Collegio San Agustin at University of Santo Tomas sa alas-2 ng hapon.

Matapos ang ope­ning ceremony ay masi­silayan ang laban ng Foton at Generika-Ayala sa alas-5 at ang laro ng Cig­­nal at Cocolife sa alas-7 ng gabi.

Nakatutok ang aten­syon sa Cignal at Co­co­life na parehong nag­na­nais makabalik sa por­ma matapos yumuko sa kani-kanilang karibal sa opening day noong Sa­bado.

Natalo ang HD Spi­kers sa F2 Logistics, 16-25, 19-25, 19-25, ha­bang nabigo ang Asset Managers sa nagdedepensang Petron, 18-25, 15-25, 18-25.

Magsisilbing lakas ng Cignal si opposite hitter Mylene Paat na nag­pasiklab sa kanyang stint sa national team sa Asian Games at sa AVC Asian Women’s Championship.

Kumana si Paat ng 12 points sa kanilang hu­ling laro.

Makakatulong ni Pa­at sa HD Spikers sina Rachel Anne Da­quis, Honey Royse Tubino, Luth Malaluan, Roselyn Doria, Janine Navarro at libero Jheck Dionela.

Raratsada naman pa­ra sa panig ng Asset Ma­na­gers si Fil-American recuruit Kalei Mau.

 

Show comments