Crawford umiiwas labanan si Pacquiao

MANILA, Philippines – Umiiwas si World Boxing Organization wel­terweight king Ameri­can Terence Crawford kay reigning World Bo­xing Association welterweight champion Manny Pacquiao dahil takot ito sa lakas ng kamao ng Pinoy champion.

Ito ang paniniwala ni Pacquiao bilang sagot sa patutsada ni Crawford no­ong nakaraang linggo.

Inihayan ni Crawford na hindi nito itinuturing na champion ang Pinoy superstar kaya malabong magharap ang dalawa sa ibabaw ng ring.

“Takot lang siya (Crawford) matagal na si­yang umiiwas sa akin,” wi­ka ng eight-division world champion.

Galing si Pacquiao sa seventh-round knockout win kontra kay Argenti­nian Lucas Matthysse sa kanilang laban noong Hul­yo 15 sa Kuala Lum­pur, Malaysia para ma­kuha ang WBA belt.

Ngunit hindi na-im­press si Crawford sa na­turang panalo ni Pacquiao.

“He (Pacquiao) is not a champion in my eyes. He doesn’t have the super belt. That’s the champion in my eyes. I look at the number one champion in the division. I don’t look at the WBC Silver and the interim belts and all that. I look at the super and the actual champion of the division,” ani Crawford sa panayam ng Boxing Scene noong nakaraang linggo.

Sariwa pa si Crawford sa technical knockout win laban kay Jose Benavidez noong Oktubre 13 sa Omaha, Nebraska para mapanatili ang kanyang WBO ti­t­le.

Tinalo rin ni Crawford si Jeff Horn noong Hulyo 9 via technical knockout.

 

Show comments