^

PM Sports

SBP nakiramay sa pagyao ni Baumann

Pang-masa
SBP nakiramay sa pagyao ni Baumann

MANILA, Philippines — Dinamayan ng Samahang Basketbal ng Pilipinas ang buong mundo sa pag-alala kay International Basketball Federation (FIBA) Secretary-General Patrick Baumann.

Ito ay matapos biglaang pumanaw ang 51-anyos na si Baumann kamakalawa habang tumutulong sa pagdaos ng Youth Olympic Games sa Buenos Aires, Argentina bilang batikang mi-yembro din ng International Olympic Committee (IOC) noon pang 2007.

“It is with great sadness that I share the tragic news of the sudden death of FIBA secretary-general Patrick Baumann in Buenos Aires, Argentina du-ring the Youth Olympic Games,” ani SBP President Al Panlilio.

Kilalang malapit si Baumann sa SBP at gayundin sa Pilipinas lalo’t makailang ulit na siyang bumisita sa bansa para sa FIBA hosting events tulad ng FIBA Asia Championship noong 2013, FIBA Olympic Qualifying Tournament noong 2016, FIBA 3x3 World Cup ngayong taon at gayundin ang maraming windows ng idinaraos na 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“He shared his vision in how to make basketball the biggest sport glo-bally. He is a big loss to the basketball community. I offer my deepest condolences to the family,” dagdag ni Panlilio.

Ngunit higit sa kanyang pakikipagkaibigan sa SBP, kilala si Baumann na siyang naging tagapagsalba ng Pilipinas.

Isa si Baumann, noon ay isa pa lang na deputy secreteray general ng FIBA sa tumulong na ayusin ang gusot ng da-lawang magkalabang paksyon sa local governing body na Basketball Association of the Philippines (BAP).

Nasuspinde ang bansa bunsod ng sigalot na iyon bago muling sumaklolo si Baumann noong 2005 nang maitaas ang suspensiyon ng Pilipinas at sa pagkakatayo rin ng bagong local body na SBP sa ilalim ni Manny V. Pangilinan.

Nakiramay din ang IOC sa pangu-nguna ni President Tomas Bach.

“This is a great shock which has hit us all very hard. We can hardly believe this terrible news, particularly since even today, we have seen him working hard as we always knew him for the sport he loved,” aniya.

Ipinag-utos na ni Bach na ibandera ng half-mast ang Olympic flag sa loob ng tatlong araw bilang pag-alala kay Baumann kasabay na rin ang pagkakaroon ng memorial sa athletes village.

PATRICK BAUMANN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with