DENVER - Matapos ang 17 season ay nagdesis-yon si Richard Jefferson na tuluyan nang isabit ang kanyang basketball uniform.
“In the last month I’ve dealt with two life changing events back to back. My decision to move on from basketball and the tragic passing of Big Rich,” sabi ni Jefferson sa kanyang Instagram kahapon. “The support of my family and friends have been huge.”
Naglaro si Jefferson ng 17 seasons sa NBA tampok ang kampeonato para sa Cleveland Cavaliers noong 2016 at naging key role player mula sa bench.
Tumipa ang 38-anyos na guard ng average na 8.2 minutes per game sa 20 laro niya para sa Nuggets sa nakaraang season.
Kumampanya rin siya para sa Brooklyn Nets, Milwaukee Bucks, San Antonio Spurs, Golden State Warriors, Utah Jazz at Dallas Mavericks.
Isa sa mga dahilan ng pagreretiro ni Richardson ay ang pagkamatay ng kanyang amang si Richard Jefferson Sr. sa isang drive-by shooting sa California noong Setyembre 19.
Naging malapit si Jefferson sa kanyang ama sa mga nakaraang taon.
Nagsimula na si Jefferson na magpursige ng isang post-playing career sa broadcast journalism.