MANILA, Philippines — Hindi hinayaan ni veteran powerlifter Adeline Ancheta na mabokya sa medalya ang Pilipinas sa 2018 Asian Para Games.
Ibinulsa ni Ancheta ang bronze medal matapos bumuhat ng 107 kilograms sa women’s over 86 kilogram Para powerlifting event kahapon sa Balai Sudirman sa Jakarta, Indonesia.
Itinala ni Ancheta ang kanyang best lift sa second attempt para tumapos sa ikatlong posisyon.
Inangkin ni Lee Hyunjung ng Korea at Sriyanti Sriyanti ng Thailand ang gold at silver medal sa binuhat nilang 115kg. at 114 kg., ayon sa pagkakasunod.
Ang tansong medalya ni Ancheta ang nag-iisang medalyang nakuha ng Team Philippines.
Kamakalawa ay nagbulsa ang mga Filipino chessers ng tatlong gold medals, habang nasikwat ni swimmer Ernie Gawilan ang ikalawa niyang gintong medalya.