MANILA, Philippines – Lalarga sa susunod na linggo ang 2nd Leg Juvenile Fillies & Colts Stakes Race at 2018 Philracom 3YO Open Challenge Series sa pista ng Sta Ana Saddle and Clubs sa Naic, Cavite.
Kabuuang P2,500,000 milyon ang premyong paghahatian ng mga kabayong mananalo at titimbang simula second hanggang fourth place sa dalawang karerang nabanggit.
Sampung kabayo ang nominado para sa 2nd Leg Juvenile Fillies & Colts Stakes Race kung saan lamang na lamang ang kabayong Mona’s Mark dahil kakapanalo lang nito sa PCSO Special Maiden Race noong Sept 15.
Sa nasabing karera ay nanalo ng dalawang katawan ang Mona’s Mark sa Barayong habang nasa dikit na tersera puwesto ang Electrify na sinakyan naman ni jockey RG Fernandez.
Lalarga rin sa susunod na linggo ang “2018 Philracom 3YO Open Challenge Series” at mayroon ding sampung nominadong kabayo.
Lamang sa nasabing Stakes Race ang kaba-yong Pride of Laguna dahil galing ito sa sunud- sunod na panalo kabilang ang 10th Mayor Ramon Bagatsing 3YO Open Classic and Imported Stakes Race.
Sa nasabing karera ay tinalo ng Pride of Laguna ang 2nd Leg Triple Crown Winner na Wonderland na may limang katawang agwat sa distansyang 1,750m na naganap sa pista ng San Lazaro.
Susubukan naman maka-upset ng mga kabayong Brown Sister, Certain to Win, Helushka at Viva Morena dahil pare-parehas silang galing sa impresibong panalo. (VNuguid)