Gibson, Rose nagulat sa hiling ni Butler

MINNESOTA -- Iki­na­gulat nina key veteran players Taj Gibson at Derrick Rose ang trade demands ni teammate Jimmy Butler.

“At the end of the day, you’ve got to look at it from a player’s standpoint and a business standpoint,” wika ni Gibson sa ESPN.

Humingi si Butler ng trade sa Minnesota bago ang preseason games.

Sinabi ni Butler na wa­la na siyang planong pumirma muli ng kontrata sa Timberwolves at gusto na niyang lumipat ng ibang ko­ponan. 

Naglaro sina Gibson at Rose kasama si Butler para sa Chicago Bulls.

“That’s my brother, man,” wika ni Gibson sa 29-anyos na si Butler. “I love Jimmy to death. We don’t even talk about basketball.”

Sa nalalapit na pag­bu­bukas ng NBA season ay sinusuportahan pa rin nina Gibson at Rose ang anumang magiging desisyon ni Butler.

Show comments