Team USA inilampaso ang Uruguay

LAS VEGAS — Humakbang ang Team USA para sa isa na namang pagla­laro sa 2019 FIBA World Cup na gagawin sa China.

Ito ay matapos durugin ng mga Americans ang dehadong Uruguay, 114-57, sa pagsisimula ng second round ng FIBA World Cup qualifiers.

Umiskor si Frank Mason III ng 16 points para sa 6-1 baraha ng US, humataw ng 15-0 atake sa first quarter at hindi na napigilan ng Uruguay.

Nagdagdag naman si Chasson Randle ng 15 points kasunod ang 14 markers ni Derrick White para ilapit ang koponan sa tiket sa 2019 FIBA World Cup.

Kailangan na lamang ng mga Americans na tumapos sa top three sa isang six-team group na kinabibilangan ng Argentina (6-1), Puerto Rico (5-2), Uruguay (4-3), Panama (3-4) at Mexico (3-4).

Show comments