MANILA, Philippines – May dalawang linggo pa para magsumite ng nominasyon para sa ikatlong enshrinement ng sports heroes sa Philippine Sports Hall of Fame.
Iniurong ang deadline ng nominasyon sa September 30 matapos magpulong ang screening at review committees sa Philippine Sports Commission headquarters sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila kamakalawa.
Pinangunahan ni PSC Chairman William Ramirez, Chairman ng Selection Board, ang diskusyunan ukol sa timelines, guidelines at parame-ters na ni-review ng grupo na kinabibila-ngan din nina Games and Amusements Board Chairman Abraham Mitra, Phi-lippine Olym-pians Association President at former PSC Commissioner Akiko Guevara at National Sports Association representative Bernie Atienza ng SBP