Parks bumandera para sa El Tigre

MANILA, Philippines – Humakot si Bobby Ray Parks. Jr. ng 26 points, 6 assists at 5 rebounds para pamunuan ang Mandaluyong El Ti­gre sa 77-75 pagtakas laban sa Parañaque Patriots sa 2018 MPBL Datu Cup kamakalawa ng gabi sa Filoil Flying V Arena.

Ito ang ikaanim na pa­nalo ng El Tigre sa pi­tong laro para makasos­yo sa liderato ng Nor­thern Division ang tatlo pang koponan.

May magkakatulad na 6-1 baraha ang Mandaluyong, Manila, Bataan at San Juan, nilumpo ang Zamboanga, 80-59, sa ikalawang laro.

Umiskor naman ang Knights ng 24 points sa third period at nilimita­han ang Valientes sa 10 markers.

Humugot si dating PBA guard John Wilson ng 15 sa kanyang 23 points sa second half pa­ra banderahan ang San Juan.

Nalasap ng Zambo­anga ang kanilang ika­apat na kabiguan.

Show comments