MANILA, Philippines – Nakasungkit ang mga Pinoy karatekas ng kabuuang 24 medalya tampok ang 10 ginto para maibulsa ang overall title sa 38th Karatedo Gojukai Singapore International Championships sa Singapore Badminton Hall sa Singapore.
Nanguna sa kampanya ng Team Philippines sina Adam Bondoc ng Xavier School Greenhills nang pagharian ang juniors 16-17 male individual kumite at Maryanne Janelle Yabut-Montalvo na nakasikwat ng ginto sa seniors –55 kg. female individual kumite.
Nakahirit din ng ginto sina Nicole Erika Dantes (female individual open kata 16-over), Krisanta Renzel Asistido (cadet 14-15 female individual kata), Joan Denise Lumbao (female individual kata 12-13), Emmanuel Jairus Sarmiento (male individual kata 12-13), John Daniel Cancela (boy’ 12-13 individual kumite), Victoria Isabel Arnedo (female individual kata 10-11), Sebastian Neil Manalac (male individual kumite 8-9) at Paulo Manuel Gorospe (male individual kata 8-9).
Kumolekta din ang delegasyon ng anim na pilak at pitong tansong medalya.