Paalam at Ladon nakatiyak ng bronze medal

JAKARTA -- Isang matulis na right hand ang na­ilusot ni Pinoy pride Carlo Paalam sa panga ni Termitas Zhussupov ng Kazakhstan papasok sa semifinals.
Joey Mendoza

JAKARTA — Matapos ang ilang masakit na kabiguan ng ilang Pinoy boxers, may dalawa nang nakapasok sa semifinals para hindi mabokya ang 8-man Philippine boxing team dito sa 18th Asian Games sa kompetisyong ginaganap sa Jakarta In­ter­national Expo.

Sina Carlo Paalam at Rogen Ladon ay nakasiguro ng bronze medals ma­tapos makalusot sa ka­ni-kanilang quarterfinal matches.

Nagtala si Paalam ng 4-1 panalo laban kay Ter­mitas Zhussupov ng Ka­zakhstan sa men’s 46-49kg light flyweight, habang kinailangang paghirapan ng Olympian na si Ladon ang 3-1 split decision win kontra kay Azat Mahmetov ng Kazakhs­tan kamakalawa ng gabi.

Susunod na kalaban ng 24-gulang na si Ladon ang Thailander na si Yuttapong Tongdee, habang delikado si Paalam dahil ang hometown bet ng host Indonesia na si Amit ang kanyang kala­ban.

Gagawin bukas ang mga laban nina Ladon at Paalam.

Tinalo naman ni Eumir Felix Mar­cial si Jinjae Kim, 5-0, ng Korea pa­ra tumiyak ng tanso sa men’s 75kgs.

Samantala, naging kon­trobersiyal naman ang pag­katalo ni Nesthy Petecio, habang pinatulog ng kalaban si Mario Fernandez at bigo rin sa kanilang first round matches sina James Palicte, Joel Bacho at Irish Magno.

Show comments