JAKARTA — Bigo ang “Gilastopainters” sa bigating China ngunit sa mata ng mga Pinoy, tagumpay ang Philipinne basketball team na nagbigay ng magandang laban bago isinuko ang 80-82 kabiguan.
Sa likod ng nalasap na pagkatalo ng last minute Phl team na pinangunahan ni Cleveland Fil-Am player Jordan Clarkson sa kanyang 28 puntos sa debut game niya para sa Gilas, umani ng papuri mula sa mga Pinoy fans ang koponan.
Hanggang 12 puntos lamang ang inilayo ng mga Chinese, lamang pa ng tatlong puntos sa huling 72 segundo ng laro at nahirapan muna bago itakas ang panalo.
Nagdagdag si Fil-German Christian Standhardinger ng 18 markers kasunod ang 14 at 10 points nina Stanley Pringle at Paul Lee Dalistan, ayon sa pagkakasunod.
Nagpahinga ang Gilas kahapon na inimbitahan ng isang Filipino Basketball Community para sa isang pananghalian sa Kemang Club Villas.
“Free day today, tomorrow we start practice everyday and viewing tapes. Will also make adjustments on some plays based on wat we’ve seen in the game versus China,” pahayag ni National coach Yeng Guiao.
Binigyan si Guiao ng Filipino community ng native batik polo na kanyang isinuot sa pagpapakuha ng litrato.
Matapos ang tanghalian ay nanood The Equalizer 2 ang tropa para magrelaks.
Inaasahan ang pagpasok ng Gilas sa quarterfinals maliban na lang kung magmilagro ang Kazakhstan kontra sa China ngayong alas-5 ng hapon (Manila time) na siyang magdedetermina ng kalaban ng No. 1 team sa Group A na Korea sa quarterfinals na magsisimula sa Linggo.
“We need to be more efficient versus Korea. The difference is Jordan Clarkson. He brings a whole new set of problems for Korea. While giving us another high caliber weapon in our offensive arsenal,” sabi pa ni Guiao. “If we play the way we did versus China, I think its pretty even.”