Meralco niresbakan ang Columbian

Pinilit ni Jackson Corpuz ng Columbian na harangan si Meralco import Allen Durham.
PBA Images

MANILA, Philippines – Isang supalpal ni import Allen Durham at split sa huling 1.4 segundo ang kumumpleto sa come-from-behind victo­ry ng Meralco.

Bumangon ang Bolts mula sa double-digit deficit sa third period para resbakan ang Columbian Dyip, 109-106, sa pagbubukas ng 2018 PBA Go­vernor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tumapos si Durham, ang two-time PBA Best Import, na may 26 points, habang nagtala naman si guard Baser Amer ng 23 markers, 8 rebounds at 6 assists para sa 1-0 baraha ng Meralco.

Pinamunuan ni reinforcement Akeem Wright ang Columbian mula sa kanyang game-high na 30 points bago nagkaroon ng ankle injury sa natitirang 1.4 segundo ng laro.

Matapos ang one-point lead, 26-25, ng Bolts sa first period at ku­ma­mada ang Dyip ng 28 points sa second quarter para iposte ang 10-point advantage, 53-43, sa halftime.

Binitbit ng Columbian ang 85-76 abante sa pagtatapos ng third canto hanggang kumamada ang Bolts para agawin ang 108-106 bentahe mula sa basket ni Amer sa huling minuto ng fourth quarter.

Sinupalpal ni Durham ang tira ni Jackson Corpuz sa nalalabing 25 segundo na sinundan ng free throw ng Meralco import para umangat sa Co­lumbian sa 109-106 sa natitirang 1.4 segundo.

Nagdagdag si Mike To­lomia ng 14 points.

 

 

Show comments