DENVER - Nagbigay si point guard Isaiah Thomas ng shoutout sa tatlo niyang dating NBA teams habang hinamak naman niya ang Cleveland Cavaliers sa isang live social media post.
Ngunit kaagad nag-isyu ang All-Star playmaker ng isang apology para sa mga Cavaliers.
“I apologize for my choice of words about Cleveland. I was on my live playing around. They don’t show you everything for a reason smh. Right after that I clarified what I said.... All love to everybody who had love for me in Cleveland,” sabi ni Thomas.
Sa kanyang unang live social media post ay sinabi ni Thomas na ‘all love’ sa Sacramento Kings, ang koponang pumili sa kanya sa second round ng 2011 NBA Draft, pati na sa Los Angeles Lakers at Boston Celtics habang tinawag naman niya ang Phoenix Suns na “cool”. Ngunit inilarawan niya ang Cleveland na isang s#!T#oL3. “I can see why Bron left … again,” sa kanyang post.
Ngunit matapos ito ay nagbago ng kanyang pahayag si Thomas, saglit na naglaro para sa Cavaliers matapos ibigay ng Celtics sa isang trade sangkot si Kyrie Irving. “Cleveland wasn’t that bad. “I shouldn’t have said that … That was my fault … Cleveland was actually cool … it was alright,” ani Thomas.
Noong Pebrero ay dinala ng Cavaliers si Thomas sa Lakers bago siya pumirma ng kontrata sa Nuggets sa offseason.