Banal, Viernes mahigpit ang labanan
MANILA, Philippines — Dikdikan sina Gab Banal ng Go For Gold at Jeff Viernes ng Che’Lu Bar and Grill sa unahan ng Most Valuable Player race papalapit sa Finals ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Foundation Cup.
Ito ay matapos nilang buhatin sa tuktok ng prestihiyosong semi-pro league ng bansa ang Che’Lu at Go for Gold bilang top at second seed ng eliminasyon.
Dating naglaro sa Globalport sa PBA, bahagyang nasa unahan si Banal sa likod ng kumpletong ave-rage niya na 15.0 puntos, 8.8 rebounds, 3.8 assists, 1.9 steals at 1.1 blocks para sa Scratchers na nagtapos sa ikalawang puwesto ta-ngan ang 7-3 kartada.
Hindi naman malayo si Viernes, na naglaro rin sa Phoenix at Globalport sa PBA sa inirehistro nitong league-best na 17.3 puntos, 4.6 rebounds, 4.8 assists at 2.0 steals upang bitbitin sa top seeding ang Revellers hawak ang 8-2 baraha.
Kung sakali ay si Banal o di kaya’y si Viernes ang tatanghaling kauna-una-hang MVP na dati ng na-ging pro-player dahil pa-nay amateur at collegiate players pa lamang ang nakapag-uwi ng parangal sa walong taong kasaysa-yang ng D-League.
Susundan ni Viernes o ni Banal ang mga naunang MVP ng D-League na sina Allein Maliksi at Vic Manuel ng Cebuana, Ian Sangalang, Jake Pascual, Garvo Lanete at Kevin Alas ng NLEX, Bobby Ray Parks Jr. ng Hapee, Moala Tautuaa ng Cagayan, Mac Belo at Mike Tolomia ng Phoenix, Ro-bert Bolick at Raymar Jose ng Cignal gayundin si CJ Perez ng Zark’s Burgers.
Samantala, kandidato rin para sa pinakamataas na parangal ng D-League si Owen Graham ng AMA Online Education.
Ito ay kahit pa walang naipanalong laro ang Titans sa 10 salang pero nagpasiklab naman ang 2017 top rookie pick sa nakamada niyang 14.9 puntos at league-best na 13.4 rebounds sahog pa ang 1.2 assists, 1.9 steals at 1.4 blocks.
Pasok din sa karera sina Jessie Collado at Chris Bitoon ng Che’Lu gayundin sina Jorey Napoles at Filipino-American Trevis Jackson ng Marinerong Pilipino-Technological University of the Philippines habang nakasabit din bilang kandidato si Pierce Chan ng Centro Escolar University.
Igagawad ang natu-rang MVP sa Game 3 ng Finals na pagbobotohan ng media, TV coveror at PBA Office.
- Latest